Lunes, Hunyo 17, 2013

Diabetes type 2 (mellitus)

Lahat tayo candidate magakaroon ng diabetes type 2 dahil sa mga kinakain natin dati meron lang diabetes type 1 hereditary o namamana lang sa magulang pero ngayon puwede na po tayong magkontest ng paramihan ng may kakilalang may diabetes. Halos buong mundo higit sa milyon o bilyon na ang nagkakaroon at nadadagdagan pa ito araw araw.

Paano ba nagkakadiabetes ang isang tao?
makakatulong maintindihan kung papanoorin natin itong video.






Ayon sa video ang mga kinakain natin pag-pumasok na sa loob ng ating digestive system ay nabebreak down ito at nagiging  glucose, ang glucose ay engery source na kailangan ng cells at muscles natin mula sa kinakain, pero para magamit natin ito as energy kailangan ng tulong ng hormone na kung tawagin ay INSULIN na pinuproduce ng pancreas natin, ang hormone na ito ang siyang nagiging susi para magamit ng mga cells at muscles natin ang energy mula sa glucose na galing sa kinain natin.

GLUCOSE - sugar
INSULIN - hormone na nagcoconvert ng glucose into energy para sa cells at muscles natin.

Mga Klase ng DIABETES

DIABETES TYPE 1:
Simula palang ng pakabata ay hindi na gumagana ang pancreas ng isang tao para magproduce ng insulin na kailangan ng mga cells at muscles para magamit ang energy sa glucose mula sa kinain, kaya sila nagtuturok ng insulin sa katawan para maabsorb ang energy na galing sa kinain at para rin ma-maintain ang bloodsugar level nila at maging malakas pansamantala pag hindi sila nakapagturok ng insulin nanghihina sila, kaya kailangan continues ang medication ng insulin nila.

DIABETES TYPE 2:
Ang Diabetes type 2 o (mellitus) kung tawagin ay nakukuha natin dahil sa sobrang pagkain natin ng kung anu-ano lalo na ng matatamis, ang matatamis ay magandang energy source pero pag sumubra pinpahirapan nito ang pancreas natin dahil produce ng produce ng insulin hormone para magamit ang energy mula sa sa kinain at para mapababa ang glucose level sa katawan.

halimbawa:
Marami kang kinain ibig sabihin maraming carbohydrates ang macoconvert sa glucose para maging energy sa katawan, magpoproduce ngayon ang pancreas natin ng insulin para magamit natin ang energy mula sa glucose, eh hindi ka nageexercise o nai-involve sa physical activity kaya hindi mo din nagagamit ang energy mula sa glucose kaya naii-stock lang ito sa katawan natin at nagiging taba, tumataas ang blood sugar sa katawan at dahil diyan ang pancreas natin continues siyang nagpoproduce ng INSULIN kasi hindi bumababa ang glucose level natin kasi pag nagbuild-up ang taba sa katawan bina-block nito ang insulin hormone sa trabaho niyang ipaabsorb ang glucose sa mga cells at muscles natin, dahil doon hindi bumababa ang glucose level kaya nahihirapan ang pancreas natin dahil continues siyang ngpoproduce ng INSULIN dahil mataas parin ang glucose level, hangang sa hindi na makayanan hindi na mag-function ito at hindi na magproduce ng INSULIN, doon nagkakaroon ng diabetes type 2.

Organ complication din ang nangyayari dahil disperado ang katawan natin para makahanap ng magagamit na energy magpapadala ng signal ito sa LIVER organ natin para irelease ang nakareserved na glucose resulta tataas ulit ang level ng glucose sa ating katawan at magbibigay ulit ng signal sa pancreas natin para magproduce ng magproduce ng insulin. Over work na ang pancreas natin hangang sa tuluyan na itong mag-pahinga.

Kumain ka ng breakfast marami, wala kang physical activity na ginawa nastock ang glucose, pagdating ng 12 o'clock kumain ka ulit ng lunch at wala ka ulit physical activity, nadagdagan ulit ang glucose level sa katawan mo, magpoproduce ang pancreas mo ng INSULIN para mapababa niya ang glucose level sa katawan mo, eh hindi ka nga nageexercise hindi mo nagagamit ang energy sa glucose sa loob ng katawan kaya produce ng produce ang pancreas mo ng INSULIN sa pagaakala niyang hindi pa niya napapababa ang glucose level mo, dinner time kumain ka ulit ng marami, nadagdagan ulit ang glucose level sa katawan mo magpoproduce ulit ng INSULIN ang pancreas mo, hangang sa pa-ulit ulit ang nangyayari darating sa point na ikakasira na ng pancreas mo kasi nga continues siya nagpoproduce ng INSULIN para mapababa ang blood sugar oh glucose level mo.

resulta pag hindi na gumagana ang pancreas mo ang kidney mo ang magfifilter ng sobrang glucose sa katawan kaya ihi ka ng ihi, kaya apektado din ang KIDNEY mo puwedeng magresulta sa KIDNEY FAILURE option ulit ay DIALYSIS at pamumugaran ng bacteria ang katawan mo lalo na sa mga genital parts, at diyan din nag-uumpisa ang mabagal na pag-galing ng sugat dahil pinamamahayan ng bacteria ito hangang sa lumala ng lumala ang sugat option na mangyayari  ay AMPUTATION para hindi na kumalat pa.


gaya nito:


Mga sintomas ng Diabetes:
1. Laging nauuhaw
2. Madalas na Pag-ihi
3. Parang laging Pagud
4. Pangangati ng Genitals
5. Mabagal na Pag-galing ng Sugat
6. Biglaang Pagbaba ng Timbang
7. Nanlalabo ang mga Mata

Mga pagkaing kailangang iwasan:
  1. SOFTDRINKS
  2. Refine Sugar (white sugar) mas healthy ang brownsugar
  3. Cakes, candies, chocolates
  4. Too much Rice (white rice) carbohydrates kasi yan 1cup is enough.
marami pang mga pagkain na dapat maiwasan para hindi tayo magkaroon ng diabetes, syempre kailangan din ng EXERCISE samahan ng BALANCED DIET, at pag-inum ng food supplement gaya ng FIRST VITA PLUS  natural health drink, dahil gawa sa GULAY ito ay napakagaling makapagpababa ng blood sugar ng isang tao na may type 2 diabetes mas mahalaga na makaiwas tayo sa sakit para hindi maging hadlang sa pagkamit natin ng ating mga pangarap sa pamilya. 
sana po ay makatulong sa atin ang mga kaalamang ito para makaiwas sa mga sakit dahil HEALTH IS WEALTH





No Approved Therapeutic Claim
Contact Authorized Dealers only 
for product purchase pls. e-mail me using the form BELOW.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Like Us On Facebook